
Maligayang Buwan ng Wikang Pambansa!
Patuloy na nakikiisa ang University of Antique sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1041 s. 1997. Ngayong taon, nakasandig ang pagdiriwang sa temang: “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa”. Ito ay kumakatok sa puso ng bawat isa na gamitin ang kalakasan buhat sa ating pagkakaiba tungo sa pangkalahatang pagpapahalaga sa Filipino bilang wikang daluyan ng ating kasaysayan kasama na ang mga wikang katutubo na naging pundasyon ng pagkakabuo nito.
