
Ginunita ng University of Antique, sa pangunguna ng Sentro ng Wika at Kultura, Kasapi ng mga Wika at Kultura (KaWikaan), at ng Laboratory High School ang Buwan ng Wikang Pambansa sa pamamagitan ng tanghal kultura sa programang ginanap sa Tiripunan Hall ngayong ika-tatlo ng Setyembre.
Tampok sa programa ang iba’t ibang pagtatanghal tulad ng sayaw-panliligaw, tinig-busalian, sayaw-pagsasaka, tinig-bagani, sayaw-ragragsakan, himig-talinghaga, halakhak ng bayan, at malikhaing sayaw na itinanghal ng mga mag-aaral mula sa Laboaratory High School at BSED Filipino.
Si Dr. Aries B. Cabahit, Program Head, BSED and MAEd Filipino, ang nagsilbing panauhing tagapagsalita at naghatid ng kanyang talumpati sa mga kalahok.