
Ngayong ika-84 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan, ang aming buong pusong pagpupugay sa ating mga magigiting na sundalo at kapwa Pilipino na buong tapang na ipinaglaban ang kalayaan ng ating bayan noong panahon ng digmaan. Ang kanilang kabayanihan at katapangan ay patuloy na nagpapaalab ng puso ng bawat Pilipino na mahalin, ipaglaban, at patuloy na paglingkuran ang ating Inang Bayan, ang Pilipinas.
Maligayang Araw ng Kagitingan! ![]()

