Maligayang Buwan ng Wikang Pambansa, Kasubay!

Ngayong taon, ang pagdiriwang ay nakabatay sa temang “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.” Kinikilala ng temang ito ang mahalagang ugnayan ng Wikang Filipino at Artificial Intelligence (AI) sa pagpapalawak ng kaalaman at pagpapadali ng pag-access sa impormasyon sa pamamagitan ng pananaliksik. Isa rin itong panawagan sa matalino, mapanuri, at responsableng paggamit ng AI bilang katuwang sa pagkatuto, pananaliksik, at paglikha ng bagong kaalaman.

Sa kabila ng mabilis na pag-unlad ng makabagong teknolohiya, nawa’y patuloy nating bigyang-halaga at palawakin ang paggamit ng Wikang Filipino bilang wika ng pananaliksik, komunikasyon, at pambansang pagkakakilanlan na nagbubuklod sa atin bilang isang bansa.