Nakikiisa ang University of Antique sa pangunguna ng Sentro ng Wika at Kultura, Kagawaran ng Filipino at ng Samahang Filipino sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1041 s. 1997. Nawa’y pahalagahan natin ang ating mga katutubong wika na siyang pundasyon ng wikang Filipino at ng ating pagiging Filipino.
 
Maligayang Buwan ng Wika, Kasubay!