
Ngayong buwan ng Oktubre, ang University of Antique ay kaisa sa pagdiriwang ng Indigenous Peoples Month at sa paggunita ng ika-28 taon ng pagpapatibay ng Indigenous Peoples’ Rights Act (IPRA).
Kaisa tayo sa pagkilala, pagtaguyod, at pagpapahalaga sa kultura at karapatan ng ating mga katutubo at ng kanilang komunidad. Kaugnay sa temang, “Weaving Culture, Enriching Future: Empowering Indigenous Communities as Bedrock of Sustainable Development,” patuloy nating ipagdiriwang at pahalagahan ang mayamang kultura, kasanayan, at kontribusyon ng ating mga katutubo na bahagi na ng ating pagkakakilanlan at mahalagang pamana para sa patuloy na pag-unlad ng ating bansa.
