
Ngayong Oktubre, ang University of Antique ay kaisa ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) sa pagdiriwang ng Indigenous Peoples Month at sa paggunita ng ika-29 taon ng pagpapatibay ng Indigenous Peoples’ Rights Act (IPRA), alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1906 na nilagdaan noong 2009.
Kasabay ng pagtitipon ng mga katutubo, cultural bearers, artists, mga guro at akademiko, kabataan, at kinatawan ng mga komunidad sa Dayaw 2026 na gaganapin sa Foro de Intramuros Manila mula ngayong ika-13 hanggang ika-15 ng Oktubre, kami ay nagpupugay at patuloy na kumikilala sa mayamang kultura, tradisyon, at kaalaman ng ating mga katutubo.
Nawa ay patuloy na pahalagahan ang Karapatan ng ating mga katutubo at magsilbing inspirasyon ang kanilang karanasan, karunungan, at kontribusyon sa patuloy na pag-unlad ng ating bayan.

